Miyerkules, Enero 4, 2012

Magkabilaan ni Joey Ayala

     Sa totoo lang ala akong maisip na iblog para sa kantang ito. ang hirap hirap kase tapos tinatamad pa ako pero dahil kailangan ala na akong mgagawa kundi piliting magisip.
   
     Ang kanta ni Mr. Joey Ayala kung pakikinggan  ay hindi maganda sa pandinig ngunit ang nilalaman nito ay kakaiba. Para siyang si Rizal na ginamit ang knilang talento upang maipakita ang kanilang saloobin. Ang pambansang bayani na ginamit ang panulat upang makalaya sa mga dayuhan at siya na ginamit ang musika upang ipaintindi sa bawat isa na hindi sila magkakapareho kaya wala silang karapatang manghusga ng kapwa. Sinasabi dito na ang mga tama nating ginagawa ay hindi palaging tama, maaaring mali ito para sa iba dahil hindi natin hawak ang pagiisip nila. Maari kasing ang akala nating tama ay may maidudulot na masama o masakit para sa ilan. Ipinapakita din dito ang pagkakaiba ng bawat isa sa kulay, pagiisip, ugali, at katayuan sa buhay. Ngunit meroon akong nakitang pagkakapareho ng bawat isa iyun ay walang perpektong tao sa mundo.