Biyernes, Disyembre 30, 2011

Sorry! Wala Eh!

         Ang worst experience o pinakamasalimuot na karanasan ko ay nang hindi ako nagkaroon ng worst experience. Pinilit kong magmukmok sa sulok, wag lumabas ng bahay, at nakakita pa nga ako ng lubid subalit naisip ko rin na maglaslas ng pulso pero naririnig ko ang mga batang masayang nangangarolling. At may mga batang bugok na nagtitrick or treat, nagpapaputok at sumisigaw ng maligo sa bagong taon, nagpaparinig sa kapitbahay namin na "pinagtaguan nanaman ako ng ninang ko!".Naalala ko rin ang sermon ng pari na wala kameng karapatang na malungkot ngayong kapaskuhan dahil kaarawan ito ni Papa God. Naisip kong tama nga naman pero hindi ko rin maalis na itanong sa aking sarili kung paano ako gagawa ng blog kung ganoon.
       Nagpasya akong umalis ng bahay para mamasko sa mga tito at tita ko. Una kong pinuntahan ang Tita Lenny ko pero inamag ako kakahintay pero hindi ako binigyan ng pera at ang sabi sa hapon nalang daw ako bumalik. Medyo nainis ako dahil sya ang buwena mano ko tapos tinanggihan ako. Kaya pumunta ako sa isa ko pang tita na si Tita Carmen at pagka mano ko ay binigyan ako agad ng pera. Naisip ko na dapat pala ay sya nalang ang inuna ko. Kaya bumalik ako sa una kong tita at nagparinig. At sa wakas ako ang nagwagi! Binigyan ako ng pera naisip kong ito ang gawing worst experience ko pero para sakin hindi ito dahil nagenjoy ako sa pangiinis sa tita ko para bigyan ako ng aginaldo.
        Paguwi ko ng bahay ay gabi na nalibang ako sa pagtambay kasama ang nga barkada ko ng highschool at naisip kong wala pa nga pala akong worst experience. Kaya naisip kong ang worst experience ko ay nang hindi ako nagkaroon ng worst experience.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento