Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Musika. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Musika. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 31, 2011

Musika (malayang paksa)

          Sinasabi nila na ang musika ay nagiging salamin ng kalooban ng lumikha nito. Ang musika na siguro ang isa sa pinakalumang anyo ng sining sa mundo. Mula sa mga tunog na galing sa kalikasan, na nagkaroon ng "harmony". Ang mga tunog ay nagkaroon ng kaayusan at naging maganda sa pandinig. Ito ang tinatawag na musika.

           Maaring ang musika rin ay maging salamin ng kultura at kapanahunan sa isang lugar. Musika rin ang nagiging tulay upang magkaroon ng koneksyon ang bawat isa sa atin. Halimbawa, bentang-benta sa atin ngayon ang musika na galing sa south korea. Marami ang nababaliw dito at nakiki-uso. Pero subukan mong tanungin, anu ba kahulugan ng mga kanta na pinakikinggan nila? Ang sasabihin nila ay nagagandahan lamang sila sa tunog nito at kahit sa hindi nila alam kung ano kahulugan ng mga salitang sinasabi nila ay todo sabay pa rin sila sa pagkanta. Dito makikita na kahit balakid ang pagkakaiba natin sa kultura, magagawang iparating ng musika ang saloobin ng lumikha nito. Hindi naging hadlang ang hindi natin pagkaintindi sa kahulugan nito para ito ay ating magustuhan.

            Halatang-halata naman sa ating mga pilipino ang pagmamahal natin sa musika. Lalo na nung kapanahunan pa ng Eraserheads. Nung nasa rurok pa ng kasikatan niya si Francis Magalona. Ito 'yong dekada '90 na tumatak sa mga pilipino. Walang sawang tugtugan at sayawan sa saliw ng mga kanta ng E-heads kasama pa ang PNE. Iniidolo ko si Ely Buendia. Sino ba naman kasi bukod sa kanya ang makakapagtago ng ibang kahulugan sa mga kanta n'ya? Halimbawa na lang 'yong Spolarium. Sa lyrics ng mga kanta na yan, kung susuriin mabuti, ay makikita ang pagpapatama ni Ely kay Vic Sotto at kay Joey De Leon. Ang kantang Spolarium ay tungkol kay Pepsi Paloma. Ang artista na nagpakamatay dahil umano sa pang-gagahasa ni Vic at Joey sa kanya.

             Ang musika ay maaaring maging instrumento ng komunikasyon. Maaari itong magdala ng kasiyahan o kalungkutan ayon sa pagkakagamit nito. Ito ang s'yang nagpapaganda dito, ang paraan kung paano gagamitin ang MUSIKA.